Huwebes, Enero 17, 2013

ANDRES BONIFACIO

                                                               ANDRES BONIFACIO
                                                                        (1863-1897)
                                                                 TONDO,MAYNILA

=Andres Bonifacio-o kinikilalang Ama ng Himagsikan at Ang Dakilang Maralita.Katulad ni Dr.Jose Rizal,madami rin siyang pangalan o palayaw.Siya ay tinatawag na Supremo,Anak Bayan at Agapito Bagumbayan.Mabuting kapatid si Andres Bonifacio.Napatunayan niya ito nang pumayapa na ang kanilang magulang.Isinaalang-alang niya ang kanyang pag-aaral(kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo)maalagaan lang at maaruga ang kanyang mga kapatid.Naghanap-buhay rin siya para sa pangtustos ng kanyang mga kapatid.
             Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral.Tumapang at naging inspirasyon ni Andres Bonifacio ang hirap na kanyang pinagdaanan sa buhay.Gamit ang katapangan,siya ang namuno sa naganap na rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya.
            Isa si Andres Bonifacio sa ipinagmamalaki ng Pilipinas.Handang ialay ang sariling buhay para sa kalayaan ng Pilipinas.Kung wala sila,wala tayong bayani,wala tayong kalayaan.Alam ko na hindi lahat ng turista dito sa Pilipinas ay iisa ang layunin.May gustong manatili,at may gustong sumira.
           Sa lahat po ng turista,napakatapang ni Andres Bonifacio,at kahit anong pagpapasuko niyo sa kanya"WISH YOU LUCK".Sana po maging huwaran sa ating lahat ang talambuhay ng ating mga bayani.Mapaturista man o maging tayong mga pilipino.Walang tutulad o hihigit sa katapangan ni Andres Bonifacio.
            Ang tanong ko lang sa inyo,"Kung maranasan niyo rin ang pinagdaanan ni Andres Bonifacio,magiging matapang/makabayan ba kayo o magtatago ng may konsensya at pagsisisi sa sarili?"Paki-isip mabuti.
         "BAYAN MO,IPAGMALAKI MO"

Martes, Enero 15, 2013

JOSE RIZAL


                                                          "PAMBANSANG BAYANI"
                                                           JOSE RIZAL(1861-1896)
                                                             CALAMBA LAGUNA
 
=Dr.Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda y Quintos-Ni minsan ba naitanong niyo na sa inyong sarili kung bakit ganito kahaba ang pangalan niya?Ayon sa aking pagsasaliksik,mahaba ang kanyang pangalan dahil kung saan siya pupunta,iniiba niya ang kanyang pangalan.Kung ito ay totoo,bakit kailangang baguhin ni Dr. Jose Rizal ang kanyang pangalan?Para hindi siya makilala?Sa panahon ngayon,halos mga kriminal na lang at ang mga nagtatago sa batas ang gumagawa nito.Hindi naman kriminal si Dr. Jose Rizal diba?Sa katunayan naging bayani pa nga siya eh.Pero kung totoo nga talaga ito,ang chuicy naman ni Dr. jose Rizal,ikinahihiya niya ba ang kanyang pangalan?
               Ang mga turista ay nakakapasyal at nakakaikot sa buong Pilipinas,pero di na nila kailangang baguhin ang kanilang pangalan,dahil kahit maputi man sila o maitim,mahirap man o mayaman,"WELCOME TO THE PHILIPPINES"Ikinagagalak ko po ang inyong pagdating!!!!
(Sa lahat ng di sang-ayon,comment na lang po,please?)

Lunes, Enero 14, 2013

BAYANING ATIN!!!!!


“BAYANI”



Sugod!!Kalayaan para sa Pilipinas!!!

             
                  Iilan sa atin noong elementarya pa lamang tayo,diba ang mga salitang iyan ang unang pumapasok sa isipan natin kapag narinig o binigkas natin ang salitang "BAYANI"?Tanong pa nga ng ilan eh,madali lang daw ba maging bayani,tulad ni JOSE RIZAL?ANDRES BONIFACIO?EMILIO AGUINALDO? MELCHORA AQUINO?at iba pa.Minsan ba naitanong niyo na sa sarili niyo na"PAANO BA SILA NAGING BAYANI?KAILANGAN BA MAMATAY KA RIN NG MAY DANGAL AT PAGMAMAHAL SA BAYAN TAPOS PABARIL KA RIN SA MGA ESPANYOL?Kung ganoon lang naman kadali"WHY NOT DIBA?"Hindi naman masama magtry.Sabi nga"LIFE HAS A CHOICE".
              Ang layunin ko lang naman sa blog na ito ay mahikayat ang mga turista na pumunta dito at maakit sa mga tanawin.Pwede rin naman natin silang hikayatin gamit ang talambuhay at nakaraan ng ating mga bayani eh.Pero,paano ba natin sila hihikayatin gamit ang ating mga bayani?Sana po,ang sagot sa tanong na iyan ay makikita niyo dito.Maraming Salamat!!!!(Panimulang bati)