Huwebes, Enero 17, 2013

ANDRES BONIFACIO

                                                               ANDRES BONIFACIO
                                                                        (1863-1897)
                                                                 TONDO,MAYNILA

=Andres Bonifacio-o kinikilalang Ama ng Himagsikan at Ang Dakilang Maralita.Katulad ni Dr.Jose Rizal,madami rin siyang pangalan o palayaw.Siya ay tinatawag na Supremo,Anak Bayan at Agapito Bagumbayan.Mabuting kapatid si Andres Bonifacio.Napatunayan niya ito nang pumayapa na ang kanilang magulang.Isinaalang-alang niya ang kanyang pag-aaral(kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo)maalagaan lang at maaruga ang kanyang mga kapatid.Naghanap-buhay rin siya para sa pangtustos ng kanyang mga kapatid.
             Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral.Tumapang at naging inspirasyon ni Andres Bonifacio ang hirap na kanyang pinagdaanan sa buhay.Gamit ang katapangan,siya ang namuno sa naganap na rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya.
            Isa si Andres Bonifacio sa ipinagmamalaki ng Pilipinas.Handang ialay ang sariling buhay para sa kalayaan ng Pilipinas.Kung wala sila,wala tayong bayani,wala tayong kalayaan.Alam ko na hindi lahat ng turista dito sa Pilipinas ay iisa ang layunin.May gustong manatili,at may gustong sumira.
           Sa lahat po ng turista,napakatapang ni Andres Bonifacio,at kahit anong pagpapasuko niyo sa kanya"WISH YOU LUCK".Sana po maging huwaran sa ating lahat ang talambuhay ng ating mga bayani.Mapaturista man o maging tayong mga pilipino.Walang tutulad o hihigit sa katapangan ni Andres Bonifacio.
            Ang tanong ko lang sa inyo,"Kung maranasan niyo rin ang pinagdaanan ni Andres Bonifacio,magiging matapang/makabayan ba kayo o magtatago ng may konsensya at pagsisisi sa sarili?"Paki-isip mabuti.
         "BAYAN MO,IPAGMALAKI MO"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento